Municipal Development Council 2017

18 September 2017
Category
News
Comments  0

Noong nakaraang Setyembre 8, 2017 ay nagsagawa ang Pamahalaang Bayan ng Malvar ng Municipal Development Council. Dito ay ipinakita ng ating punong bayan Kgg. Cristeta Cuevas Reyes sa pamamagitan ng isang pag uulat ni Municipal Engineer Leonida Mando ang mga natapos at kasalukuyang mga naging proyektong inprastraktura ng ating Pamahalaang Bayan sa taong 2016 at 2017. Inuulat din ng ating MLGOO Gloria Paz Toledo ang Assistance to Municipality Program (ADM) na nagkakahalaga ng P 16, 903,000 na proyekto para sa ating bayan. Kaugnay din dito ay iprinesenta din ni MPDC Evangeline Evangelio ang 20% Development Fund Appropriations na nakalaan sa taong 2018 para sa labinlimang barangay ng Malvar. Nag ulat din ang Municipal Budget Officer Ms. Jeanette Fruelda ng mga nagging kabuuang pondo at mga nagamit na pondo ng pamahalaang bayan sa taong 2016-2018. Kabilang din sa mga lumahok sa Municipal Development Council (MDC) ang pangalawang punong bayang Alberto Lat kasama ang miyembro ng Sangguniang Bayn, mga Barangay Captains, Civil Society Organization, Municipal Department Heads at ilang kawani ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>