Nais ko pong maging matagumpay ang ating bayan sa ilalim ng ating sama-samang pag ganap. Batid ko na walang lider na magtatagumpay kung wala ang tulong at pagtitiwala ng kanyang nasasakupan. Kaya naman, hinihikayat ko kayong lahat—mga kawani ng pamahalaan, lider-barangay, mga guro, manggagawa, kabataan, mga kasama sa simbahan, at lalo’t higit ang pribadong sektor—magkaisa po tayo! Sama-sama po nating buuin ang isang BAGONG MALVAR: May Matatag na Pamahalaan at Maginhawang Mamamayan.
Municipal Mayor, Malvar, Batangas
(During the Oath-Taking Ceremony held on June 30, 2025)
Karapatan - Igagalang
Kalinisan ng Kapaligiran - Titiyakin
Seguridad at Kaligtasan - Paiigtingin
Kalikasan - Aalagaan
Kabuhayan - Pagyayamanin
Mamamayan - Dadamayan